Monday, 2 December 2019

Hinagpis ng nakaraan

Ang hinagpis ng nakaraan



     Sa isang syudad na puno ng ingay at kaguluhan, ay may isang pamilyang labis na nagmamahalan na tilay hindi mapaghihiwalay, sa buhay, kasiyahang tila walang hanggan.



Sa isang munting tahanan ay may isang buong pamilya na binubuo na isang ama na siyang haligi at inang siyang ilaw ng tahanan, ang kanilang pagmamahalan na wari'y hindi mawawakasan, lumipas man ang panahon at anumang unos ay kanilang haharapin.

Sila ay nagsama sa loob ng walong taon

Sa loob ng taong iyon sila'y nagkaroon ng isang unang anak na babae na nagngangalang dianne. At lumipas pa ang panahon ay nagkaroon siya ng dalawa pang kapatid na lalaki.

Ang mga araw at taon na lumilipas na sila'y magkakasama ay tila nga wala ng wakas, sa kanilang pamilya'y  dumarating mga di pagkakaunawan subalit mas lalo pa nitong pinapatatag ang pamilya.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari sila ay nagkahiwalay sa kadahilanang hindi nila nakaya ang problema na tila nga ay kay bigat na pasanin. Ang magkakapatid ay isinama ng kanilang ina sa isang probinsya ang kanilang ama ay naiwan.

Taon taon ang lumipas buhay ng mag iina'y naghirap hindi lubos maisip na kanilang pamilya'y sa ganoon lang magtatapos,paglipas ng panahon sila ngay tuluyan ng namaalam at nagkaroon ng sari sariling pamilya.

Dalawampung taon na ang kanilang panganay ngunit labis parin ang kanyang pangungulila, dumaan sa elementarya, sekondarya at kolehiyo na hindi manlang niya masilayan ang kaniyang ama,  sabik sa pagmamahal at aruga.

Sa kaniyang pag-aaral siya ngay nalulungkot sa sinapit ng kanilang pamilya

Ngunit ano nga ba ang magagawa kundi hayaan at palipasin ang lungkot at inggit na kaniya ngang nadarama sa tuwing nakakakita ng isang buong pamilya.

Ngunit siya parin ay napapaisip na kung hindi ba nangyari ang mga maling desisyon sila parin kaya'y buo at masaya? Na meron paring kalinga mula sa kanilang ama at ina.

Ilang taon na nga ang lumipas ngunit ang sakit ay dala dala parin dulot ng nakaraan

Napapaisip sa katagang " hanggang sulat na nga lang ba maipararating ang pagmamahal ng isang anak" hanggang doon na nga lang ba? Sila ba'y tunay ngang nagkalimutan na.

No comments:

Post a Comment