ROEL C. PIOJO
ANG KWENTO NG ISANG PAMILYA
Sa isang malayong pook may isang pamilyang masaya at tahimik na naninirahan doon.Ang lugar na yon ay sagana sa prutas at mga gulay doon sila nangunguha ng kanilng ikinabubuhay.Si roberto ang ama nina joel,noel,aljon at merry ang nagtataguyod sa kanilang pamilya kasama ang kanilang ina na si jen.Si joel ang panganay nilang anak ay nag aaral ng kolehiyo sa QSU main campus siya ay naghahangad makapagtapos ng pag aaral para makatulong sa kaniyang pamilya siya ay mabait matulungin sa kanyang ama,si noel ay kasalukuyan ding nag aaral ng kolehiyo sa QSU cabarruguis campus siya ay kumuha ng kursong criminology sya ay may kasungitan pero hindi nagkukulang sa kanyang pamilya.Si aljon at merry ay kasalukuyang nag aaral ng higschool sa VILLAROSE,CABARROGUIS,QUIRINO..Kahit sila ay magkaka iba ang ugali sila ay nagtutulungan at nag dadamayan kapag sila ay walang pasok sila ay tumutulong sa kanilang ama't ina.Hanggang sa isang araw ay nangibang bansa ang kanilang ina at nalungkot ang anak nito pero ang sabi ng kanilang ina sa kanila ay "mga anak magsasakripisyo ako sa ibang bansa para maka pag aral kau".Ang kanilang ama ang nagtaguyod sa kanila at ang ina nila ay nagpapadala ng pera pangtustus sa pag aaral ng mga bata.Hanggang sa bumalik ng pinas ang kanilang ina at natuwa ang mga anak nito.Nung nakita ni joel ang kaniyang ina yinakap nya ito at bigla siyang napaluha sabi ni joel sa kaniyang ina "ma mahal na mahal kita ".Hindi na umalis ang kaniyang ina at namuhay sila ng tahimik at matiwasay.
Kapalaran
Tuesday, 3 December 2019
Ang Nakaraan
Zion A. Puhlat
Ang kwento ng Nakaraan
Sa kabundukan ng Sierra Madre kung saan matatagpuan ang isang liblib na lugar na tinatawag na "the land of destiny". Sa lugar na ito ay binubuo ng iba't ibang tribo gaya ng Ifugao, Igorot, Ilocano, Bugkalot, at Yogad. Sa lugar na ito ay may nakatira na mag asawang sina Aling Odette at Tata Lancelot. Ang pamilyang ito ay mahirap lamang walang magandang trabaho ang mag asawa.Silay nabiyayaan ng Apat na anak sina Procopio, Miya, Grock at Minotaur.
Masaya silang magkakasama lalong lalo na pag sila ay kumpleto at nakikihalubilo rin sila sa mga Ifugao at mga Yogad. Ang kanilang mga anak ay masayang nakikipaglaro sa mga taong bundok. Habang si Procopio naman ay abala sa kanyang takdang aralin. At ang kanyang ina na si Aling Odette ay abala din sa paglalabada at ang ama ay abala sa pagsasaka. Ang mag asawa ay nagtratrabaho para lang may maipakain sa mga anak.
Isang araw, si Procopio ay pumasok sa paaralan at dito nakakilala ng mga kaibigan sina Leomord na mayaman, Thamuz na mabait, Balmond na magaling, at Claude na sobrang gwapo. Ito ang mga naging barkada ni Procopio sa eskwelahan at naging tunay na kaibigan.Masaya niyang ikinikwento ito sa knyang mga magulang ang lahat ng ginagawa nila.
Ngunit habang tumatagal si Procopio ay unti-unting nagbago. Ang akala ng kanyang ina ay pumapasok si Procopio sa eskwelahan.Siya ngayon ay nalulong na sa masasamang bisyo dahil sa mga barkada , sa una lang mabait ang mga barkada pag tumagal lumabas din ang mga sungay. Palagi na siyang lasing na pumapasok at amoy sigarilyo. Pati na sa pag - uwi nito sa kanilang bahay. Isang araw napuno ang ama ni Procopio dahil sa palagi nitong pag iinom ng alak at biglang nandilim ang paningin ng ama, pinulot ng ama ni Procopio ang isang matigas na bagay at bigla itong ipinalo kay Procopio.Labis ang sakit na dinanas ni Procopio sa kanyang ama at umiyak ito.Habang ang ina naman nito ay umiiyak dahil sa dinanas ng anak, pero isang saglit pinagsabihan si Procopio, ang sabi ng Ina "kaw anak ang tanging pag-asa namin para naman maiangat ang kahirapan natin sa buhay, at tanging Edukasyon lang ang tanging maipamamana ko sa inyo dahil tayo ay walang wala ng ari arian kaya tumino ka naman di naman para sa amin to para din lang sa inyo". Tumulo ang luha ni Procopio at humingi ng tawad sa ina at ama nito.Si Procopio ay nagbago pinatunayan nito ang sinabi ng kanyang ina. Ang lahat ng ina ay alam ang ikabubuti ng mga anak.Dahil hindi lahat ng oras ay kapiling natin ang ating mga magulang na gumagabay sa atin kaya pilitin nating tumayo sa ating mga sariling paa pero di natin kakalimutan kung saan tau galing.

Monday, 2 December 2019
Hinagpis ng nakaraan
Ang hinagpis ng nakaraan
Sa isang syudad na puno ng ingay at kaguluhan, ay may isang pamilyang labis na nagmamahalan na tilay hindi mapaghihiwalay, sa buhay, kasiyahang tila walang hanggan.
Sa isang munting tahanan ay may isang buong pamilya na binubuo na isang ama na siyang haligi at inang siyang ilaw ng tahanan, ang kanilang pagmamahalan na wari'y hindi mawawakasan, lumipas man ang panahon at anumang unos ay kanilang haharapin.
Sila ay nagsama sa loob ng walong taon
Sa loob ng taong iyon sila'y nagkaroon ng isang unang anak na babae na nagngangalang dianne. At lumipas pa ang panahon ay nagkaroon siya ng dalawa pang kapatid na lalaki.
Ang mga araw at taon na lumilipas na sila'y magkakasama ay tila nga wala ng wakas, sa kanilang pamilya'y dumarating mga di pagkakaunawan subalit mas lalo pa nitong pinapatatag ang pamilya.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari sila ay nagkahiwalay sa kadahilanang hindi nila nakaya ang problema na tila nga ay kay bigat na pasanin. Ang magkakapatid ay isinama ng kanilang ina sa isang probinsya ang kanilang ama ay naiwan.
Taon taon ang lumipas buhay ng mag iina'y naghirap hindi lubos maisip na kanilang pamilya'y sa ganoon lang magtatapos,paglipas ng panahon sila ngay tuluyan ng namaalam at nagkaroon ng sari sariling pamilya.
Dalawampung taon na ang kanilang panganay ngunit labis parin ang kanyang pangungulila, dumaan sa elementarya, sekondarya at kolehiyo na hindi manlang niya masilayan ang kaniyang ama, sabik sa pagmamahal at aruga.
Sa kaniyang pag-aaral siya ngay nalulungkot sa sinapit ng kanilang pamilya
Ngunit ano nga ba ang magagawa kundi hayaan at palipasin ang lungkot at inggit na kaniya ngang nadarama sa tuwing nakakakita ng isang buong pamilya.
Ngunit siya parin ay napapaisip na kung hindi ba nangyari ang mga maling desisyon sila parin kaya'y buo at masaya? Na meron paring kalinga mula sa kanilang ama at ina.
Ilang taon na nga ang lumipas ngunit ang sakit ay dala dala parin dulot ng nakaraan
Napapaisip sa katagang " hanggang sulat na nga lang ba maipararating ang pagmamahal ng isang anak" hanggang doon na nga lang ba? Sila ba'y tunay ngang nagkalimutan na.

Sunday, 1 December 2019
Kapalaran
Ako nga pala si wansot nakatira sa Maddela, Quirino kumukuha ng kursong edukasyon sa unibersidad ng Quirino, lumaki sa payak na pamilya.
Nagsimula ang lahat ng akoy nag ka isip sa taong anim(6) at akoy nasa unang baitang ng elementarya ang pamilya namin ay masaya kinakaya namin ang lahat.nakapagtapos kami ng aking mga kapatid sa secondarya ng walang huminto sapagkat nagagabayan pa kami ng maayos ng aming ama at ina. Hindi nagtagal napilitang umalis ang aming ina upang mangibangbansa dahil sa hirap ng buhay.
Ang aming panganay na syang unang nag kolehiyo ay tumigil sa kanyang kinukuhang kurso (veterinary medicine) at naka abot sya ng 3rd year tapos bigla syang tumigil sa pag aaral sa kadahilanang hindi nya kaya, at nadismaya ang aming ina sa ginawa nya na hanggang ngayon ay hindi pa nakakapagtapos. Ang aming pangalawa naman ay nag aral ng nursing sa unang taon palang nya sa kolehiyo ay napagtanto na nyang natatakot sya sa dugo kaya tumigil din at nagaral ng information technology at naka pagtapos sa unibersidad ng quirino ngunit hindi padin sya nakakakuha ng trabaho na naayon sa kanyang natapos na kurso, samantalang ako naman ay nag aral ng marine engineering sa unang buwan ko napakadaming tukso na sumasagupa sakin ngunit kinaya ko itong lagpasan hanggang sa ako ay natukso gumawa ng madaming kalokohan gaya ng tumigil na sa pag aaral habang sila ay nagpapadala padin ng aking gagamiting pera sa araw araw.
Hindi nagtagal akoy nakonsensya umuwi sa aming baryo at humingi ng tawad sa aking mga nagawa akoy pinatawad nila sa aking mga nagawang kasalanan pero hindi maaalis sa aking ama at ina ang aking mga nagawa.humingi ako ng isa pang chansa upang mag aral muli ng hrm natapos ko ang kursong ito (2yrs associate) akoy sasakay na sana ng barko upang magtrabaho ng magkaroon ng sagutan na kung saan ako ay napilitang sagutin ang aking ama at ng matapos ito ay nagpatattoo ako tapos nasira nanaman ang lahat ng nakaprepara para saaking kinabukasan.
Ako nanamay nagaaral ngayon ng edukasyon upang iaalay ang lahat sa aking mga magulang na hindi tumigil sa suporta kahit akoy isang lokolokong tao.
Ito ang aking kapalaran, na sanay matapos na sa aking pag aaral at makakuha na ng trabaho at suklian ang mga nagawang mabuti sakin ng aking pamilya.

Subscribe to:
Posts (Atom)